icon-facebook icon-instagram icon-pinterest icon-soundcloud icon-twitter icon-youtube

Tungkol sa Korte Suprema ng Victoria

Pakinggan o basahin ang pahinang ito sa ibang wika

Maaari mong pakinggan ang pahinang ito sa ibang wika o sa Ingles sa pamamagitan ng pag-klik sa icon na ito sa itaas ng web page.

Maaari mong basahin ang pahinang ito sa ibang wika sa pamamagitan ng pag-klik sa buton na ‘Other Languages' sa itaas ng web page.

Ang gabay na ito ay naglalaman ng pangkalahatang impormasyon lamang at hindi naglalayong maging payo sa batas.

Pagsasalingwika at Pag-iinterprete – tulong sa telepono

Kung kailangan mo ng interpreter para tawagan ang Korte Suprema sa ngalan mo, mangyaring tumawag sa Translating and Interpreting Service (Serbisyo ng Pagsasaling-wika at Pag-iinterprete) sa 131 450 at sabihin ang iyong wika sa Ingles. Pagkatapos ay hilingan ang interpreter na tawagan ang Korte Suprema ng Victoria sa 03 8600 2000.

Ang mga numero ng telepono para sa iba't ibang lugar ng Korte ay nakasaad sa ibaba. Ang kumpletong listahan ay makukuha sa pahina na 'Makipag-ugnay sa amin' ng aming website: www.supremecourt.vic.gov.au/contact-us

Maaari mong bisitahin ang Translating and Interpreting Service website (website ng Serbisyo ng Tagasaling-wika at Pag-iinterprete) para sa karagdagang impormasyon sa serbisyo.

Tungkol sa Korte Suprema ng Victoria

Ang Korte Suprema ang kataas-taasang hukuman sa Victoria. Dinidinig nito ang mga kasong kriminal at sibil na kabilang sa pinakamasalimuot at pinakamalala sa estado. Dinidinig din nito ng ilang mga apela mula sa mga korte at tribyunal ng Victoria.

Mga kasong dinidinig sa Korte Suprema

Para sa impormasyon tungkol sa kasalukuyang mga kaso sa Korte, tingnan ang Pang-araw-araw na Listahan ng Pagdinig sa www.supremecourt.vic.gov.au/daily-hearing-list

Mga kasong dinidinig sa Melbourne

Karamihan sa mga kaso ng Korte Suprema ay dinidinig sa Melbourne. Ang Kalendaryo ng Korte Suprema ng Melbourne ay matatagpuan sa www.supremecourt.vic.gov.au/going-to-court/court-calendar.

Mga kasong dinidinig sa mga rehiyon

Ang Hukuman ay naglalakbay din upang duminig ng mga kaso sa mga lugar sa Victoria na kinabibilangan ng Ballarat, Bendigo, Geelong, Hamilton, Horsham, Morwell, Mildura, Sale, Shepparton, Wangaratta, Warrnambool at Wodonga.
Ang kalendaryo para sa mga pagdinig sa mga rehiyon ay makukuha sa website na: www.supremecourt.vic.gov.au/going-to-court/court-calendar.

Impormasyon sa pakikipag-ugnay para sa mga kaso na dinidinig sa mga rehiyon ('sa circuit')

Mga circuit ng Korte ng Apela: email: pbnertvfgel@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@yrtsigeraoc

Mga circuit na sibil ng Dibisyon ng Common Law: email: pvivy.pvephvgf@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@stiucric.livic

Mga circuit ng Dibisyong Pangkrimen: email: pevzvanyqvivfvba@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@noisividlanimirc

Pagdalo sa korte

Maaaring umupo sa korte at obserbahan ang karamihan ng mga kasong dinidinig ng Korte Suprema. Bisitahin ang pahina ng attending court (pagdalo sa korte) para sa karagdagang impormasyon.

Ang polyeto ng Supreme Court of Victoria: The highest court in Victoria (Korte Suprema ng Victoria: ang kataas-taasang hukuman sa Victoria) ay makukuha sa pag-download.

Mga bayad

Ang listahan ng kasalukuyang mga bayarin ay makukuha sa website, o sa kopyang mahahawakan mula sa Pangunahing Rehistro o Rehistro ng Korte ng Apela.

  • Prothonotary’s Office fees (mga bayad sa Tanggapan ng Prothonotary) (ang mga ito ay mga bayad para sa mga kasong dininig sa Komersyal na Korte, Dibisyon ng Common Law at Korte ng mga Gastos)
  • Court of Appeal fees (Mga bayad sa Korte ng Apela)
  • Probate fees (Mga bayad sa Opisyal na Pagpapatunay ng Huling Habilin (Probate).

Walang bayad para sa mga kasong dininig sa Dibisyong Pangkrimen

Mga pagwawaksi (waivers) sa bayad

Kung magiging dahilan ng iyong kahirapang pinansiyal ang pagsagot sa bayad, maaari kang humiling na iwaksi ang bayad (ibig sabihin ay hindi mo na kailangang sagutin ang bayad) sa pamamagitan ng pagpuno ng pormularyo na Fee Waiver Application form (pormularyo ng Kahilingan sa Pagwawaksi ng Bayad). Kailangan mong magbigay ng katibayan upang suportahan ang mga detalye na isinulat mo sa iyong kahilingan .

Kaayusan ng Korte Suprema

Ang Korte Suprema ay binubuo ng mga Dibisyon sa Paglilitis at ng Korte ng Apela. Ang Korte ay nagbibigay din ng ilang mga serbisyong pangangasiwa.

 

Structure dia

 

Matatagpuan ang impormasyon tungkol sa paraan ng pagtatalaga sa mga Hukom sa iba't ibang mga dibisyon sa Judicial Organisational Chart (Talaang-guhit ng Organisasyon ng Hudikatura).

Tungkol sa Korte ng Apela

Ang Court of Appeal (Korte ng Apela) ay nagpapasya sa mga apela laban sa mga desisyong ginawa ng Korte ng Kondado (County Court) at mga hukom ng Dibisyon ng Paglilitis sa Korte Suprema. Ito rin ay nagpapasya ng mga apela na laban sa mga desisyong ginawa ng Presidente o Bise-Presidente ng Tribyunal na Sibil at Pang-administratibo ng Victoria (VCAT - Victorian Civil and Administrative Tribunal).

Ang Korte ang nagpaspasya kung ang paglilitis ay isinagawa nang patas, at kung ang batas ay inilapat nang tama. Karaniwang dinidinig ng dalawa o tatlong hukom ang isang apela.

Sa karamihan ng mga kaso ang isang aplikasyon ay dapat ginawa nang may pahintulot mula sa Korte ng Apela na dalhin ang isang apela sa korte. Ito ay tinatawag na 'naghihingi ng pahintulot para mag-apela'.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Telepono: 03 8600 2001

Email: pbnertvfgel@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@yrtsigeraoc

Tungkol sa Dibisyon ng Paglilitis

Ang Dibisyon ng Paglilitis ay may ilang magkakahiwalay na mga dibisyon. Ito ay inilalarawan sa ibaba.

Ang Dibisyong Pangkrimen

Ang Criminal Division (Dibisyong pangkrimen) ng Korte Suprema ng Victoria ay dumidinig sa mabibigat na kasong kriminal tulad ng sadyang pagpatay, di-sadyang pagpatay, tangkang pagpatay, at terorismo.

Ang mga Hukom ng Dibisyong Pangkrimen ay dumidinig din ng mga aplikasyon sa ilalim ng ilang mga Batas, kabilang ang Bail Act 1977.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Rehistrong Pangkrimen: Telepono: 03 8600 2059, Email: pevzvanyqvivfvba@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@noisividlanimirc .

Ang Komersyal na Korte

Ang Commercial Court (Komersyal na Korte) ay dumidinig sa kumplikadong mga komersyal (kaugnay ng negosyo) na pagtatalo. Bawat kaso ay ipinapasok sa ‘listahan’ ng Komersyal na Korte na pamamahalaan ng isang opisyal ng hukuman. May mga listahang espesyalista, na humaharap sa mga kaso na kakailanganin ng partikular na mga bahagi ng batas.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Rehistro ng Komersyal na Korte: Telepono: 03 8600 2002, Email: pbzzrepvnypbheg@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@truoclaicremmoc

Ang mga tunay na agarang mga kaso ng Komersyal na Korte ay maaaring dinggin ng Nakatalagang Hukom sa Komersyal na Korte (Commercial Court Duty Judge)

  • sa mga oras ng negosyo: (9.00 nu – 5.00 nh): Telepono: 03 8600 2002
  • labas sa oras ng negosyo at Sabado at Linggo: Telepono 0439 153 522 o kung hindi magamit 0447 054 310.

Ang Dibisyon ng Batas Komon (Common Law)

Ang Common Law Division (Dibisyon ng Batas Komon ) ay namamahala sa hanay ng mga kaso, kabilang ang mga may kinalaman sa personal na pinsala, propesyonal na pananagutan (isang pagdinig sa batas na hinain ng isang nasaktan bunga ng pabayang mga kilos ng isang propesyonal), propyedad, at mga habilin at mga pagtatalo sa mga naiwang ari-arian (estates). Dinidinig din nito ang ilang mga apela, at nirerepaso ang mga desisyon na ginawa ng mga pampublikong lupon at mga opisyal.

Ang mga pagdinig ay dapat ilagay sa listahang espesyalista. Bawat listahan ay tumatalakay sa partikular na bahagi ng batas at pinamamahalaan ng isang opisyal ng hukuman na may kadalubhasaang espesyalista sa bahaging iyon ng batas. Ang Paunawa sa Propesyon – Specialist Lists in the Common Law Division (mga Espesyalistang Listahan sa Dibisyon ng Batas Komon ) – ay nagbibigay ng mga pangalan ng mga espesyalistang listahan at maikling paglalarawan ng mga uri ng mga pagdinig na angkop para sa bawat listahan. Ang partido na nagpasimula ng isang pagdinig ay dapat humirang ng angkop na espesyalistang listahan para sa pagdinig.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Principal na Rehistro (Common Law): Telepono 03 8600 2008.

 Ang tunay na agarang mga kaso ng Batas Komon ay maaaring dinggin sa Practice Court (Praktis na Korte)

  • sa mga oras ng negosyo (9.00 nu – 5.00 nh): Telepono: 03 8600 2036, Email: cenpgvpr.pbheg@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@truoc.ecitcarp
  • labas sa oras ng negosyo at Sabado at Linggo: Telepono: 0412 251 757

Korte ng mga Gastos

Ang Costs Court (Korte ng mga Gastos) ay nagsasagawa ng pagdinig kung may pagtatalo sa pagitan ng mga partido tungkol sa mga gastos na may kinalaman sa mga kaso na dininig sa Korte Suprema, Korte ng Kondado, Korte ng mga Mahistrado at Tribyunal na Sibil at Pang-adminstratibo ng Victoria (Victorian Civil and Administrative Tribunal) (VCAT). Dinidinig din nito ang mga pagtatalo sa mga gastos sa pagitan ng mga propesyonal sa batas at kanilang mga kliyente.

Ang Korte ng mga Gastos ay sumusuri sa mga gastos at gumagawa ng pagtatasa (ang prosesong ito ay tinatawag na 'pagbubuwis' ng mga gastos). Halimbawa, maaaring bawasan ng Korte ang bayarin (bill) ng mga gastos ng abogado, o ito ay maaaring mag-utos sa isang partido sa kaso na bayaran ang mga gastos para sa kabilang partido.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Telepono: 03 8600 2007

Email: pbfgf.pbheg@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@truoc.stsoc

Pinag-iisipan mo bang katawanin ang iyong sarili (kung walang abogado) sa isang pagdinig sa batas?

Matutulungan ng Koordineytor ng Korte Suprema ang mga Litiganteng Kumakatawan sa Sarili (SRL - Self-Represented Litigants) sa:

  • pamamaraan at maisasagawang patnubay (ngunit hindi payo sa batas)
  • impormasyon tungkol sa mga alternatibong pamamaraan ng paglutas sa isang pagtatalo
  • mga organisasyon na nagbibigay ng libre o murang serbisyo sa batas (we can help you find legal representation) (matutulungan ka naming humanap ng abogado ).
  • mga gabay upang matulungan kang katawanin ang iyong sarili sa hanay ng mga pagdinig.

Impormasyon ng pakikipag-ugnay para sa Koordineytor ng SRL

Kung gusto mong makipagkita sa koordineytor ng SRL, mangyaring ayusin ang pakikipagkita:

Telepono 03 8600 2031

Email: haercerfragrq@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@detneserpernu

Ang tanggapan ng koordineytor ay nasa Supreme Court Principal Registry.

Mga serbisyo ng korte

Pangunahing Rehistro

Ang Supreme Court Principal Registry (Pangunahing Rehistro ng Korte Suprema) ay nagsasagawa ng hanay ng mga gawaing pangangasiwa at mga serbisyo kabilang ang:

  • pagpapanatili na ligtas ang pagtatabi ng mga file sa Korte
  • pagbibigay ng mga subpena (mga dokumento ng batas na nag-uutos sa isang tao na dumalo sa pagdinig ng paglilitis upang magbigay ng katibayan, o para makabuo ng mga dokumento bilang katibayan sa kaso)
  • paghahain sa ibang bansa ng mga dokumento sa batas
  • pagbibigay ng mga kopya ng mga dokumento
  • pagbibigay ng payo sa pamamaraan tungkol sa mga agarang bagay
  • pangongolekta ng mga bayarin sa korte

Ang mga kawani sa rehistro ay hindi maaring magbigay sa iyo ng payo sa batas. Sila ay makatutulong sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa Korte, mga patakaran nito, mga pamamaraan at mga proseso.

Impormasyon sa pakikipag-ugnay:

Telepono: 03 8600 2004

Address:

Level 2, 436 Lonsdale Street,

Melbourne VIC 3000

Oras ng Trabaho : 9:30nu hanggang 4nh Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga piyesta opisyal

Mga Habilin at Probate

Ang Probate Office (Tanggapan ng Probate) ay nag-aasikaso ng lahat ng mga aplikasyon para sa:

  • mga pagkakaloob ng probate (legal na mga dokumento na ipinalabas ng hukuman, na nagpapahintulot sa tagapagpatupad o tagapangasiwa na asikasuhin ang mga naiwang ari-arian ng yumao), at
  • pangangasiwa (kung ang yumao ay hindi nag-iwan ng Habilin).

Ang Tanggapan ng Probate ay makapagbibigay sa iyo ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa:

  • Mga pagkakaloob ng probate at pangangasiwa ng mga ari-arian ng yumao
  • Pag-aaplay para sa probate o pangangasiwa
  • ang serbisyo sa 'maliliit na naiwang mga ari-arian'
  • Paghahanap ng mga rekord ng probate
  • Mga pormularyo ng probate at mga bayad

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Telepono: 03 8600 2000 (opsyon 1)

Email: cebongr@fhcpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocpus@etaborp

Address:

Level 2, 436 Lonsdale Street,

Melbourne VIC 3000

Oras ng trabaho : 9:30nu hanggang 4nh Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga piyesta opisyal

Mga Pondo sa Korte

Ang Funds in Court (mga Pondo sa Korte) ay tumutulong sa espesyal na hukom na tinatawag na Senior Master (Senyor Master) sa pangangasiwa ng lahat ng pondo na binayad sa Korte sa mga pagdinig na sibil. Ang mga pondong ito ay binayaran bilang 'gawad' (award) o 'di-gawad' (non-award) na mga pondo.

Ang ‘di-gawad' o 'pinagtatalunan' na mga pondo ay kinabibilangan ng, halimbawa, mga perang binayad bilang seguridad para sa mga gastusin, o habang hinihintay ang kalalabasan ng isang pagdinig sa Korte kapag may pagtatalo tungkol sa mga pondo.

Ang mga pondong 'Gawad' ay pinangangasiwaan para sa 'mga benepisyaryo' na ginawaran ng kompensasyon sa isang kaso ng korte ngunit hindi nila kayang pangasiwaan ang pondo, dahil sila ay wala pang 18 taong gulang o dahil sa, halimbawa, isang aksidente, pinsala o karamdaman, o pangkaisipang kapansanan.

Ang website ng mga Pondo sa Korte (www.fundsincourt.vic.gov.au/) ay nagbibigay ng buong detalye na may kaugnayan sa mga pondong 'gawad' at 'di-gawad'.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Telepono: 1300 039 390

Telepono (para sa mga tumatawag mula sa ibang bansa): 61 3 9032 3777

Email: svp@fhcerzrpbheg.ivp.tbi.nhua.vog.civ.truocemerpus@cif

Address

Level 5, 469 La Trobe Street

Melbourne VIC 3000

Oras ng trabaho : Lunes hanggang Biyernes 9nu–5nh

Mga Hurado ng Victoria

Ang serbisyo ng hurado ay mahalagang bahagi ng sistema ng hustisya sa Victoria. Bawat taon libu-libong mga taga-Victoria ang nag-aalay ng kanilang oras upang dumalo sa hukuman bilang miyembro ng hurado.

Kung ikaw ay sapalarang napili mula sa listahan ng mga botante (electoral roll) para maglingkod sa hurado, maaari mong mahanap ang impormasyon sa Juries Victoria (mga Hurado sa Victoria).

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Telepono: 03 8636 6800

Email: vasb@whevrf.ivp.tbi.nhua.vog.civ.seiruj@ofni

Address

Juries Victoria

Ground Floor, County Court Building

250 William Street

Melbourne VIC 3000

Oras ng trabaho : Lunes hanggang Biyernes 8.45nu–4.30nh

Aklatan ng Batas sa Victoria

Ang Law Library of Victoria (Aklatan ng Batas sa Victoria) ay isang mahalagang sanggunian para sa mga korte, pati na rin para sa mga propesyon sa batas at komunidad. Kabilang dito ang pinagsamang mga koleksiyon ng Korte Suprema, Korte ng Kondado, Korte ng mga Mahistrado at VCAT. Ang mga miyembro ng publiko ay hindi maaaring manghiram ng mga bagay mula sa Aklatan ng Batas sa Victoria, ngunit maaari silang bumisita sa Korte Suprema sa mga oras ng pagbubukas nito. Ang Aklatan ay may malawak na hanay ng digital na sanggunian sa batas, na magagamit ng publiko sa mga kompyuter sa Aklatan.

Website: www.lawlibrary.vic.gov.au

Address

The Supreme Court Library

210 William Street

Melbourne VIC 3000

Oras ng Pagbubukas :

Lunes – Huwebes 8.30 nu–6.00 ng

Biyernes 8.30 nu–5.00 nh